Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryFeb 5, '09 9:37 AM
for everyone


ALAM NYO BA NA:

may 392 sa target na 1,800 na manggagawa ng INTEL CORP. ang tinanggal sa trabaho

1,750 sa 5,000 na regular na mangagawa ng FUJITSU TEN sa Canlubang, Laguna ang pinag-VOLUNTARY RESIGNATION

200 kababaihang manggagawa ng ZIRTEX ang pinauwi dahil wala na silang tatrabahuhin

32 na kontraktual na mga manggagawa ng SANYO PLASTIC PHILS. ang tinanggal ng wala man lamang notice

18,641
na mga manggagawa na ang tuluyan nang natanggal
sa trabaho ayon sa DOLE

oha! di lang yan. marami pa. kaya...

PANAWAGAN:

kung mayroon kayong kaibigan, kakilala, kamag-anak, kakilala ng kamag-anak, kapitbahay, o nakasakay sa mrt na nawalan ng trabaho dahil sa RETRENCHMENT, VOLUNTARY/FORCED RESIGNATION, REDUNDANCY PROGRAM, mga biktima ng NO WORK DAYS PROGRAM, COMPRESSED WORK DAYS, ROTATION OF WORKERS, RATIONALIZATION PROGRAM
i-email ang litrato kasama ang pangalan, edad at kumpanya sa nakuimfired@gmail.com para sa isang art project na ang layunin ay ang ipaalam sa publiko sa pamamagitan ng iba't ibang porma ng sining ang lumalala at tumataas na bilang ng mga Pilipinong natatanggalan ng trabaho. dalawin ang

http://nakuimfired.multiply.com/
 
o jumoin sa

facebook account

para sa mga balita, updates at statistics ng bilang ng mga biktima ng tanggalan, mga piket at kilos protesta ng mga manggagawa, mga paraan paano makilahok sa proyekto at kung anu-anong pa.




Comment deleted at the request of the author.
alaysapaglaya wrote on Feb 5, '09, edited on Feb 5, '09
okay to a. takte talaga ang sistema. repost ko baka sakaling makatulong.
dandingeroz wrote on Feb 5, '09
ayos ate con mabuhay ka...hehehe
admaioremdeigloriam wrote on Feb 6, '09
winner 'to!~ mag-s-send sana ako kasi unemployed ako ngayon
kaso naalala ko pala na di naman ako na-fire hahaha
micheecoo wrote on Feb 6, '09
con, pa-repost ha :)
angmgatuhod wrote on Feb 6, '09
ako din, ipplurk ko yo!:D

OT: con, bakit image ko yung wallpaper ng site mo?:D hehehe. pis.
concab wrote on Feb 6, '09
Ebbara Benguet: magbabawas ng oras ng paggawa, “no work days”, rotation ng mga manggagawa

Woo Su at Phils Star sa Cavite: nagsara na ang pagawaan dahil sa “insufficient orders”

Clark Freeport sa Pampanga: 629 na natanggal


go re-post people! join join join nakuimfired.multiply.com

alamin na sa neighborhood kung sino ang mga natsu-tsugi at ipadala sa email ko ang info. pwede ring mag-send ng mga kwento ng karanasan na may kinalaman sa tanggalan. whole year ang proyekto na 'to. tignan natin sa buong 2009 kung ilang pinoy ang gugutumin ng krisis na ito.

mabuhay kayo! asteeeg!
dandingeroz wrote on Feb 10, '09
ate con pa repost din ha
Add a Comment